BALANGKAS, ATBP.

Samot-sari tungkol sa balangkas ng kahit ano, at kung ano-ano pa

Kurso: Gramatikang Filipino: Balangkasan

with 34 comments

Layunin
Matutuhan ang mga prinsipyo na gumagabay sa pagbuo ng mga pangbalangkas na kayarian “s
yntactic construction,” at matuto ng isang pamamaraan ng paglalarawan ng mga pangbalangkas na kayarian ng Filipino.

Magsisilbing gabay ang mga aralin sa pag-aaral at pagtuturo ng gramatikang Filipino.

Teksbuk
Gramatikang Filipino: Balangkasan. 2011. Resty Mendoza Ceña at Ricardo Ma. Duran Nolasco. UP Press.

Kahandaan ng Mag-aaral
Makakatulong kung nabasa na ang librong Sintaks ng Filipino ni Resty Mendoza Cena.

Pamamaraan ng Pag-aaral
Walang opisyal na petsa ng simula ng kurso. Magsimula kung kailan handa, pero ipinapayo na magsimula sa simula. Sagutin ang mga tanong tungkol sa napiling paksa. Marami sa mga tanong ang walang tama o maling sagot; ang intensyon ay paandarin ang malikhaing bahagi ng ating isip. Magtanong, o humingi ng karagdagang paliwanag tungkol sa mga tanong, o magkomento. magpanukala, magbigay pa ng halimbawa — sa isang salita, makipagtalakayan! Ipaskel ang sagot, tanong, o komento sa puwang sa ilalim ng “Leave a Reply”.

Tatlong ‘Tip’ sa Mabilis na Pag-unawa
Magtanong, Humingi ng Karagdagang Paliwanag, Magtanong
Itala ang tanong, o ipadala sa restycena@gmail.com

Written by Resty Cena

January 11, 2010 at 8:40 am

34 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. Salamat, bibili ako mamaya. Malaking tulong ito, sa palagay ko.

    Amy

    October 4, 2011 at 2:51 am

    • Amy,
      Salamat. Magtanong lang dito, kung mayroong gustong malinawan.
      Resty

      Resty Cena

      October 4, 2011 at 5:29 am

  2. Pwede po ba ninyong ipaliwanag ang mga iba’t ibang gamit ng “sana”?
    Salamat Po!

    meg

    October 23, 2011 at 6:42 am

    • Ang sana ay nagsasaad ng “wish, expectation, or disappointment”. Halimbawa, (1) Umulan sana, (2) Bumili sana si Ben ng pansit, (3) Sana nama’y tinulungan mo ang kapatid mo. Bilang paningit, lumilitaw ito sa tabi ng unang parirala, halimbawa, tulad ng sa (1) at (2). Kaiba sa maraming paningit, nakalilitaw ito sa kaliwa ng ulo ng panaguri, halimbawa, ang (3) sa itaas. Nasagot ba nito ang iyong tanong nang husto sa iyong inaasahan?

      Resty Cena

      October 25, 2011 at 7:01 am

  3. Para kay kenrence@yahoo.com
    Ginagamit ang “balangkas” na sinonimo ng “estruktura.” Ang gamit na ito ay batay sa katawagang “balangkasan” sa tradisyonal na balarila, na tumutukoy sa paglalarawan ng mga bahagi ng pangungusap at ng kanilang ugnayan, Naaayon ang kahulugan sa tinutukoy ng salita kapag ginagamit sa pariralang “balangkas ng bahay” halimbawa,

    Resty Cena

    November 28, 2011 at 1:56 pm

  4. Ano po ba ang balangaks ng pangungusap? Ano po ba ang balangkas ng pormal at impormal na pangungusap? maaari mo po ba akong bigyan ng mga halimbawa? Maraming salamat.

    Mookie Sen

    January 9, 2012 at 11:31 am

    • Ginagamit ang “balangkas” na sinonimo ng “estruktura.” Ang gamit na ito ay batay sa katawagang “balangkasan” sa tradisyonal na balarila, na tumutukoy sa paglalarawan ng mga bahagi ng pangungusap at ng kanilang ugnayan, Naaayon ang kahulugan sa tinutukoy ng salita kapag ginagamit sa pariralang “balangkas ng bahay” halimbawa.

      Sa isang antas ng pagsusuri, at simpleng pagsasabi, masasabi na ang balangkas ng “Bumili si Ben ng basi,” halimbawa, ay may ganitong anyo: Binubuo ito ng panaguring pandiwang ‘bumili,’ na ang layon ay ‘ng basi,’ at ang simuno ay ‘si Ben.’

      Ang mga tawag na ‘pormal’ o ‘impormal’ ay tumutukoy sa ‘estilo’ ng wika, batay sa sosyal na gamit. Karaniwang impormal ang mga pangungusap na ginagamit sa pang-araw-araw na usapan na ang kausap ay mga kaibigan;, pormal naman ang wika na ginagamit sa pakikipag-usap sa isang may mataas na tungkulin, o taong iginagalang.”Bro, o, ano ang lagay?” ay halimbawa ng impormal na pangungusap. “Magandang umaga po, Mayor, kumusta po kayo?” ay halimbawa naman ng pormal na pangungusap.

      Resty Cena

      January 9, 2012 at 1:49 pm

      • wheeeeeeeeeeeeeeeeeee are u sure xa inyong mga aNsWer??????????????????????////

        bosnia

        February 8, 2012 at 10:53 am

  5. ang balangkas ay isang word na filipino underztand!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    sofia

    February 8, 2012 at 10:55 am

  6. Mag bigay po kayo ng kahit isang example ng balangkas. Thanks godbless!

    Jimmpy

    June 14, 2012 at 10:57 am

    • Ang pangungusap na “Magalang siya” ay may balangkas o “structure”. Sa isang lebel, ang balangkas nito ay [panaguri + simuno], na ang panaguri ay isang pang-uri at ang simuno ay isang panghalip. Ang panaguri ay nagsasaad ng isang impormasyon tungkol sa simuno. Ang simuno ang pinatutungkulan ng impormasyon na tagalog ng panaguri.

      Tuba Lambanog

      June 14, 2012 at 2:03 pm

  7. mahusay

    angel

    June 21, 2012 at 3:44 am

  8. kapag si nabi natin balangkas ito ay isang sistematikong kaayusan ng mga kaisipan na nakapaloob sa binasa. at ito rin ay may gamit tulad ng mga sumusunod1. pag-iisip nang matuwid 2. pag-aayos ng mga materyales 3. pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa paksa at marami pang iba gayun din ito ay may tatlong uri Una. balangkas na paksa 2. Balangkas na Pangungusap at ang panghuli Balangkas na Talata

    angel

    June 21, 2012 at 3:49 am

    • pwede po bang mgbgay kayo ng example about sa 3 uri ng balangkas?

      Shaira Yu

      August 8, 2013 at 8:26 am

    • anu po ba ang pamamaraan sa isang mabuting Balangkas na Talata at anu po kaibahan nito sa Balangkas na Paksa at Balangkas na Pangungusap? Sana po ay bigyan ninyo ng katugunan ang aking pananaliksik.

      Bernabeth

      January 25, 2014 at 6:28 am

  9. sa mga may nais magtanong wag kayong mahiyang lumapit sa akin o sumulat

    angel

    June 22, 2012 at 5:16 am

    • Magandang sagot.

      Tuba Lambanog

      June 22, 2012 at 7:19 am

    • pwede po ba kau magbigay ng example ng balangkas

      laila

      October 8, 2012 at 5:41 am

  10. nais ko po sanang humingi ng halimbawa ngkasunduan ng dalawang sangkap ng pangungusap?

    rochele malabanan

    August 27, 2012 at 4:14 pm

    • Sa Ingles, ang kasunduan ng subject at verb in number, halimbawa, “The man wants to fight,” “The men want to fight” and notice the different in the form of the verb as a function of the number of the subject.. Sa Tagalog, ang kasunduan sa bilang ng pandiwa at simuno, halimbawa, Nagsiuwi ang mga bata, pero hindi maaaring sabihing *Nagsiuwi ang bata. Nasa Kabanata 4 ka ba ng Gramatikang Filipino: Balangkasan?

      Tuba Lambanog

      August 27, 2012 at 4:38 pm

  11. bigay naman kayo ng halimbawa ng balangkas..

    nivram_marvin

    September 19, 2012 at 9:55 am

  12. halimbawa ng balangkas:
    I.
    A.
    1.
    2.
    3.
    a.
    b.
    (a)
    (b)
    (c)

    nivram_marvin

    September 19, 2012 at 9:59 am

    • pwedi po bang malaman kung ano-ano po mga antas nang balangkas

      ??

      xxxx

      December 1, 2012 at 7:31 am

      • Antas (o level) ng balangkas (o estruktura)? Mayroong tinatawag na “level of representation”: ang “deep structure” at ang “surface structure.”

        Tuba

        December 1, 2012 at 7:59 am

  13. pwede po ba kayong mgbigay ng specific example? ung exaple po tlga ng balangkas

    Ronz

    January 10, 2013 at 4:07 am

    • Ronz,
      Ang pangungusap na “Tumakbo si Ben” ay binubuo ito ng panaguring “tumakbo” at simunong “si Ben. Ang estruktura ng pangungusap ay ganito:

      PANAGURI + SIMUNO.

      Ang simunong “si Ben” ay may estruktura rin: ang “si” ay pangtukoy at ang “Ben ay pangngalan. Kay ang estruktura ng “si Ben” ay

      PANGTUKOY + PANGNGALAN.

      Ang panaguring “tumakbo” ay binubuo ng isang salitang pandiwa.

      Kung gayon ang madetalyeng estruktura ng “Tumakbo si Ben” ay

      (PANDIWA) + (PANTUKOY + PANGNGALAN)

      Tuba Lambanog

      January 10, 2013 at 7:10 am

  14. Pwede po bang magbigay ng halimbawa sa Balangkas na Pangungusap na ginagamit ang bawat diwa? Maraming salamat po.

    missy

    October 28, 2013 at 7:27 am

    • Hi, Ano ang ibig sabihin ng “ginagamit ang bawat diwa”? Anong mga diwa ito na kailangang gamitin sa mga halimbawa?

      rmc

      Resty Cena

      October 28, 2013 at 4:19 pm

  15. paano po ba gumawa ng pagbabalangkas na paksa, pangungusap, talata ng isang kwento? thanks

    Ecka Santos

    November 20, 2013 at 1:48 pm

  16. pwede po ba kayong mag bigay ng balangkas na papaksa, balangkas na pangungusap at balangkas na patalata
    salamat po

    kitkat

    January 12, 2014 at 3:02 pm

  17. anu po ba ang mga uri ng balangkas upag makabuo ng isang mabuting
    balangkasan

    Bernabeth

    January 25, 2014 at 5:44 am

  18. i got nothing ughhh -_-

    mara

    February 27, 2014 at 9:40 am

  19. is there anyone who can give me a clear definition and examples of “balangkas”
    plzzzzzzzz………..

    mara

    February 27, 2014 at 9:41 am


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: