BALANGKAS, ATBP.

Samot-sari tungkol sa balangkas ng kahit ano, at kung ano-ano pa

1.2.1 Ipaliwanag kung bakit kahanga-hanga ang proseso ng pagtamo ng unang wika ng mga bata.

with 6 comments

Sa sagot, banggitin ang kalagayan ng wika na naririnig ng bata, at ang naobserbahang mga katangian ng pagtamo ng wika, at ang uri ng ‘produkto’ sa bandang huli.

Written by Resty Cena

August 30, 2011 at 6:24 pm

6 Responses

Subscribe to comments with RSS.

  1. Sa pananaw ni Noam Chomsky, ang dahilan kung bakit marunong magsalita o nakabubuo na ng pangungusap ang mga bata kahit wala pang pormal na pag-aaral, iyon ay dahil likas sa kanila na matuto ng wika. Iyon din ang kanilang magsisilbing gabay sa pagbuo ng mga pangungusap sa kadahilang may nakabaong gramatika sa kanilang isipan. Ayon kay Chomsky at ng iba pang linggwista, sa kabila ng ating pagkakaibang wika sa buong mundo na umaabot ng 5000 hanggang 6000, may pagkakatulad pa rin tayo sa pagbuo ng pangungusap. Pinaniniwalaan ng mga linggwista, ito’y isang “universal grammar” na likas at nakaimbak sa utak ng tao.
    Kapag pinag-uusapan ang “universal grammar”, kaakibat nito ang “nativist theory” ni Noam Chomsky. Ibig sabihin nito, ipinanganak tayo na may kakayahang magsalita at bumuo ng mga pangungusap kahit hindi tayo tinuturuan ng ating mga magulang. Ang pagkatuto natin sa wika ay maihahalintulad sa ating paghinga at paglakad. Hindi tinuro sa atin ng ating mga magulang, “Anak, inhale, exhale” o kaya naman ay “Anak, hakbang sa kanan tapos kaliwa”. Pansinin ang sumusunod na pangungusap:
    1. “Tay, gutom na po ako, kain na po tayo.”
    2. “Tay, kumain na po ako, maaari na po ba akong manood ng cartoons?”
    3. “Ate, salamat po sa pasalubong. Mamaya ko na lang po kakainin, kakakain ko lang po kasi.”
    Batay sa mga naibigay ng pangungusap sa itaas, “innate” o likas sa atin ang matuto ng wika dahil pinaniniwalaan ni Noam Chomsky at ng iba pang linggwista na may nakabaong gramatika sa ating isipan. Dahil dito, hindi na kinakailangan pang ituro sa atin ng ating mga magulang ang wastong gamit ng aspekto ng pandiwa: perpektibo, imperpektibo, kontemplatibo, at katatapos . Alam natin gamitin ang mga ito ngunit hindi natin alam ang tawag sa mga ito, magkakaroon lamang tayo ng ideya o kaalaman sa oras na pumasok na tayo sa paaralan at tinuro na ito ng ating guro sa Filipino.
    Kung ang computer ay may motherboard na nagsisilbing utak kung saan naiimbak ang lahat ng datos na tinatayp ng tao, mayroon ding LAD (Language Acquisition Device) kung tawagin, na nakabaon sa bahagi ng utak natin mula pa nang tayo’y isilang sa mundong ito. Pansinin ang terminong ginamit, “acquisition” na ang ibig sabihin ay “pagtatamo” at hindi “learning” na “pagkatuto” kung isasalin sa wikang Filipino. Samakatuwid, pinatutunayan nito na likas talaga sa atin ang pagkatuto sa wika. Wala pa tayong pormal na edukasyon ay natamo na natin at nakakapagkomunika na tayo sa iba. Hindi tayo tinuruan ng ating mga magulang kung paano maglakad at mas lalong hindi nila tayo tinuruan kung paano ang magsalita.
    Sa lahat ng teorya na tumatalakay sa pagtatamo ng wika, ang Universal Grammar (UG) ang pinakatanyag at katanggap-tanggap. Bilang patunay, pansinin ang mga batang hindi kasama ang kanilang mga magulang at hindi sila nakakausap ngunit nakakapagsalita pa rin. Sa katunayan, nakabubuo pa sila ng sarili nilang salita o kaya nama’y itatawag sa isang bagay. Nakaririnig man sila ng mga salitang nanggagaling sa mgma taong nakapaligid sa kanila ngunit hindi nila ito basta-basta ginagaya bagkus pinipili lamang nila ang kanilang sasabihin. Pansinin din na mas tama pa ang gramatika ng mga bata kaysa sa gramatika ng matatanda sa kadahilanang may nakabaong gramatika sa isipan ng mga bata.
    Sa paglipas ng panahon, sa walang humpay na pakikisalamuha ng tao, unti-unti nang naiimpluwensiyahan sa kanyang mga naririnig na salita. Dumarating sa puntong ginagaya na niya ang mga salitang kanyang naririnig at inilalapat sa kanyang pang-araw-araw ng pamumuhay at hindi namamalayan na mali na pala ang kanyang gramatika. May pagkalito na sa kanyang isipan sanhi ng hindi na niya matukoy kung ano o sino ang tama. “Kung ano ang bigkas, siyang sulat at kung ano ang bigkas, siyang baybay” kaya tuloy nagkakaroon ng kamalian pagdating sa pagsulat ng sanaysay. Bukod dito, ang patuloy na pagkahumaling ng kabataan sa mga makabagong teknolohiya ang isa sa mga salik kung bakit nakakaligtaan na nila ang pagsulat na isa sa mga makrong kasanayn. Ang pagte-text ay isa pang dahilan kung bakit mali-mali na ang kanilang paraan ng pagbabaybay at hanggang sa pagsulat ay nailalapat nila. Sa tuwing pinag-uusapan ang sanaysay, pumapasok dito ang kasanayang gramatikal. Kasanayan sa nilalaman, paggamit ng salita, paraan ng kanilang pagsusulat, at maging ang kanilang paraan ng pagbabaybay.

    Melanie G. Ayson

    February 3, 2013 at 3:58 am

    • Melanie, pakipaliwanag lang kung ano ang koneksyon ng tatlong halimbawa mo sa itaas at sa pagiging likas ng wika sa isip ng bata.

      Tuba Lambanog

      February 3, 2013 at 9:46 am

    • Melanie, hindi ko ma-‘get’ ang punto na sa paggamit ng wika habang lumalaon, nasisira ang kaalaman sa gramatika ng isang nagsasalita. Kapag nasira ang ganitong kaalaman ng mga tao, hindi tayo magkakaintindihan. Anong bahagi ng panloob na gramatika “internal grammar” ang nasisira?

      Tuba Lambanog

      February 3, 2013 at 9:54 am

  2. Ang pagtatamo ng mga bata sa kanilang unang wika ay tulad ng paghinga ng isang tao. Likas ito tulad din ng pagkatuto ng isang bata nang una siyang nakapaglakad. Hindi tinuro sa atin ang paraan ng paglalakad kundi kusa na lamang tayong nakapaglakad.

    Melanie G. Ayson

    February 3, 2013 at 9:39 am

    • Melanie, nakuha mo ang mga ideas kung bakit ipinapalagay na kahanga-hanga ang pagtamo ng wika, na isang bagay na napakakomplikado, pero natural na natural na natututuhan ng bata, basta’t may sapat na input. Isa pang kahanga-hangang bagay ay ang bilis ng kanilang pagtamo ng wika. Sa edad na apat na taon, matatas na matatas ang karaniwang bata. At sa edad na anim na taon, buong-buo na ang kanilang kaalaman sa balangkas ng kanilang wika.

      Tuba Lambanog

      February 4, 2013 at 12:38 am

  3. anu ang kahinaan ng structure 1957 ni chomsky?

    jennyrose

    October 18, 2015 at 11:56 pm


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: