BALANGKAS, ATBP.

Samot-sari tungkol sa balangkas ng kahit ano, at kung ano-ano pa

Galing nga ba ang “Tagalog” sa “tagailog”?

leave a comment »

sinulat ni
Aurora E. Batnag

Ayon kay Constantino Lendoyro, sa kanyang The Tagalog Language (2ng edisyon, limbag ni Juan Fajardo, 1909), kaduda-duda kung galing nga sa taga-+ilog ang salitang Tagalog dahil walang ibang kombinasyong nagpapakita ng ganito ring gamit ng salitang tagailog. Dagdag niya na may mga salitang tulad ng tagapangpang, tagawawa, tagapasig, tagadalampasigan, ngunit walang tagailog. Walang mga tao sa katagalogan na nanirahan sa ilog, para maibatay ang salitang “taga-ilog.”

Nagharap si G. Lendoyro ng ibang haka: baka raw ang salitang Tagalog ay mula sa salitang tagal, na sa mga wikang Javanese at Malay ay nangangahulugang “dry field culture and field.” Ang tagal ay nasa Tagalog din na nangangahulugang “permanency, persisting, endurance, lasting.” Maaari raw na ito ay dinugtungan ng og mula sa Javanese. Nagtala siya ng ilang salitang Javanese na nang dumating sa mga Tagalog, ang ibang letra ay naging g. Nasa ibaba ang mga halimbawa:

Javanese                    Tagalog
layar layag
turu tulog
kapur apog
nur niyog
panu pagong
tana tanong
tabor sabog
timur (east)

timog (south)

 

Ayon pa rin kay G. Lendoyro, maaaring ang Tagalog ay korupsiyon ng Sanskrit taraga ‘pond’. Nagtala siya ng ilan pang katulad na halimbawa: Jav. lidah – dila; darili – daliri; tapong – potong.

Tinanggap ni G. Lendoyro na dahil napakatagal nang panahong ginagamit ang salitang Tagalog, ang mga ebidensiya tungkol sa etimolohiya nito ay puro “circumstancial” o maaari pa nating idagdag na mga haka at hinuha na lamang.

May mga kuwentong bayan tungkol sa pinagmulan ng tawag sa mga tao, ngalan ng mga lugar, tulad ng Maynila (na karaniwang pinaniniwalaang galing sa panlaping may-+nilad, ngunit ayon kay G. Lendoyro ay maaaring mula sa may-+nila (“indigo”o “blue”), Malabon (ma-+labong), atb. Ngunit wala tungkol sa Tagalog.

Written by Resty Cena

September 5, 2011 at 8:57 am

Posted in Batnag, tagailog

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: