BALANGKAS, ATBP.

Samot-sari tungkol sa balangkas ng kahit ano, at kung ano-ano pa

4.3.2 Lahat ng Gawa ay may Paraan?

leave a comment »

4.3.2 Lahat ng Gawa ay may Paraan?

1. Maraming anyo ng pandiwa na walang panlaping paraan, halimbawa, bumili, kumuha, atbp. Ano ang motibasyon kung bakit nilalagyan din ang ganitong mga pandiwa ng balangkas vP (na kumakatawan sa balangkas ng paraan)?  Ano ang anyo o reyalisasyon ng ulo ng nasabing vP?

2. Mayroon bang pagkakaiba sa paraan ng pagkakagawa ng aksyon ang lumangoy – naglangoy, ang umupo – naupo, ang naghagis – nanghagis? Ipaliwanag ang pagkakaiba, kung mayroon.

Pagsasanay
Tinatanggap ba ang mga pangungusap sa ibaba? Ano ang kanilang pagkakaiba, kung mayroon man, na nauugnay sa taglay nilang Paraan? Sino ang “tagagawa” ng pa– at sino ang tagagawa ng abot?
a. Ipinaabot ni Ben kay Ampi ang basi.
b. Ipinaabot ni Ben kay Ampi ang basi kay Maya.
c. Ipinapaabot ni Ben kay Ampi ang basi.
d. Ipinapaabot ni Ben kay Ampi ang basi kay Maya.

Pag-isipan
Sa mga pandiwa sa ibaba, ano ang anyo ng tinig, daloy, at paraan? Halimbawa, sa bumili, aling bahagi nito ang tinig, alin ang daloy, at alin ang paraan?
a. bumili, b. binili, c. magbili, d. bilihin, e. magbilihan, f. ibinili, g. ipinagbilihan

Written by Resty Cena

October 10, 2011 at 3:02 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: