BALANGKAS, ATBP.

Samot-sari tungkol sa balangkas ng kahit ano, at kung ano-ano pa

4.5 Hating CP (Complement Phrase)

leave a comment »

4.5 Hating CP (Complement Phrase)

1. Ano ang tungkulin ng bawat isa sa apat na sangkap ang maaaring mamahay bilang pantiyak ng C/CP? Alin sa mga ito ang obligado, at bakit sila obligado (at bakit hindi obligado ang dalawa pa)?

2. Ano ang sakop (ang sangkap na tinuturingan) ng mga modalidad (dapat, tila, baka, parang): ang pangungusap ba o ang panaguri? Saan sa sangahan isasabit ang mga modal?

3. Kung puwersa ang hindi, puwersa din kaya ang mga modal na tulad ng dapat, kailangan, parang, atbp.

4. Sang-ayon ba kayo sa pagsusuri na nagkakaiba ang dalawang pangungusap sa ibaba dahil sa may hanggahan ang daloy ng panahon sa una, pero wala sa ikalawa?
Mabilis na lumakad si Ben.
Mabilis lumakad si Ben.
Kung sang-ayon ka, patunayan pa sa pamamagitan ng ilan pang pangungusap. Kung hindi ka sang-ayon, hmm.

Pag-isipan
1. Sang-ayon ka na may dalawang basa ang a sa ibaba: una, di-nahahanggahan ang pandiwang lumakad, tulad ng ipinakikita sa b, at ikalawa, nahahanggahan ito, na ipinakikita sa c? May katulad na dalawang basa kaya ang d at e?
a. Mabilis ding lumakad si Ben.
b. = Ben also walks habitually fast.
c. = Ben also walked fast.
d. Mabilis din na lumakad si Ben.
e. Mabilis daw lumakad si Ben.

Written by Resty Cena

October 10, 2011 at 3:58 pm

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: