BALANGKAS, ATBP.

Samot-sari tungkol sa balangkas ng kahit ano, at kung ano-ano pa

Kurso: Gramatikang Filipino: Balangkasan

with 57 comments

Layunin
Matutuhan ang mga prinsipyo na gumagabay sa pagbuo ng mga pangbalangkas na kayarian “s
yntactic construction,” at matuto ng isang pamamaraan ng paglalarawan ng mga pangbalangkas na kayarian ng Filipino.

Magsisilbing gabay ang mga aralin sa pag-aaral at pagtuturo ng gramatikang Filipino.

Teksbuk
Gramatikang Filipino: Balangkasan. 2011. Resty Mendoza Ceña at Ricardo Ma. Duran Nolasco. UP Press.

Kahandaan ng Mag-aaral
Makakatulong kung nabasa na ang librong Sintaks ng Filipino ni Resty Mendoza Cena.

Pamamaraan ng Pag-aaral
Walang opisyal na petsa ng simula ng kurso. Magsimula kung kailan handa, pero ipinapayo na magsimula sa simula. Sagutin ang mga tanong tungkol sa napiling paksa. Marami sa mga tanong ang walang tama o maling sagot; ang intensyon ay paandarin ang malikhaing bahagi ng ating isip. Magtanong, o humingi ng karagdagang paliwanag tungkol sa mga tanong, o magkomento. magpanukala, magbigay pa ng halimbawa — sa isang salita, makipagtalakayan! Ipaskel ang sagot, tanong, o komento sa puwang sa ilalim ng “Leave a Reply”.

Tatlong ‘Tip’ sa Mabilis na Pag-unawa
Magtanong, Humingi ng Karagdagang Paliwanag, Magtanong
Itala ang tanong, o ipadala sa restycena@gmail.com

Written by Resty Cena

Enero 11, 2010 Sa 8:40 umaga

57 Tugon

Subscribe to comments with RSS.

  1. Salamat, bibili ako mamaya. Malaking tulong ito, sa palagay ko.

    Amy

    Oktubre 4, 2011 at 2:51 umaga

    • Amy,
      Salamat. Magtanong lang dito, kung mayroong gustong malinawan.
      Resty

      Resty Cena

      Oktubre 4, 2011 at 5:29 umaga

      • ito na bayong halimbawa ng balangkas na papaksa,pangungusap,at patalata

        nike

        Disyembre 11, 2014 at 6:40 umaga

  2. Pwede po ba ninyong ipaliwanag ang mga iba’t ibang gamit ng “sana”?
    Salamat Po!

    meg

    Oktubre 23, 2011 at 6:42 umaga

    • Ang sana ay nagsasaad ng “wish, expectation, or disappointment”. Halimbawa, (1) Umulan sana, (2) Bumili sana si Ben ng pansit, (3) Sana nama’y tinulungan mo ang kapatid mo. Bilang paningit, lumilitaw ito sa tabi ng unang parirala, halimbawa, tulad ng sa (1) at (2). Kaiba sa maraming paningit, nakalilitaw ito sa kaliwa ng ulo ng panaguri, halimbawa, ang (3) sa itaas. Nasagot ba nito ang iyong tanong nang husto sa iyong inaasahan?

      Resty Cena

      Oktubre 25, 2011 at 7:01 umaga

  3. Para kay kenrence@yahoo.com
    Ginagamit ang “balangkas” na sinonimo ng “estruktura.” Ang gamit na ito ay batay sa katawagang “balangkasan” sa tradisyonal na balarila, na tumutukoy sa paglalarawan ng mga bahagi ng pangungusap at ng kanilang ugnayan, Naaayon ang kahulugan sa tinutukoy ng salita kapag ginagamit sa pariralang “balangkas ng bahay” halimbawa,

    Resty Cena

    Nobyembre 28, 2011 at 1:56 hapon

  4. Ano po ba ang balangaks ng pangungusap? Ano po ba ang balangkas ng pormal at impormal na pangungusap? maaari mo po ba akong bigyan ng mga halimbawa? Maraming salamat.

    Mookie Sen

    Enero 9, 2012 at 11:31 umaga

    • Ginagamit ang “balangkas” na sinonimo ng “estruktura.” Ang gamit na ito ay batay sa katawagang “balangkasan” sa tradisyonal na balarila, na tumutukoy sa paglalarawan ng mga bahagi ng pangungusap at ng kanilang ugnayan, Naaayon ang kahulugan sa tinutukoy ng salita kapag ginagamit sa pariralang “balangkas ng bahay” halimbawa.

      Sa isang antas ng pagsusuri, at simpleng pagsasabi, masasabi na ang balangkas ng “Bumili si Ben ng basi,” halimbawa, ay may ganitong anyo: Binubuo ito ng panaguring pandiwang ‘bumili,’ na ang layon ay ‘ng basi,’ at ang simuno ay ‘si Ben.’

      Ang mga tawag na ‘pormal’ o ‘impormal’ ay tumutukoy sa ‘estilo’ ng wika, batay sa sosyal na gamit. Karaniwang impormal ang mga pangungusap na ginagamit sa pang-araw-araw na usapan na ang kausap ay mga kaibigan;, pormal naman ang wika na ginagamit sa pakikipag-usap sa isang may mataas na tungkulin, o taong iginagalang.”Bro, o, ano ang lagay?” ay halimbawa ng impormal na pangungusap. “Magandang umaga po, Mayor, kumusta po kayo?” ay halimbawa naman ng pormal na pangungusap.

      Resty Cena

      Enero 9, 2012 at 1:49 hapon

      • wheeeeeeeeeeeeeeeeeee are u sure xa inyong mga aNsWer??????????????????????////

        bosnia

        Pebrero 8, 2012 at 10:53 umaga

      • hI.. Miss ano po ba ang katangian ng pagbabalangkas?

        Apple

        Enero 2, 2016 at 2:47 umaga

  5. ang balangkas ay isang word na filipino underztand!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    sofia

    Pebrero 8, 2012 at 10:55 umaga

    • Ehh ikaw ano po ba sa pagkakaalam mo ang salitang balangkas ? In Filipino subject ?

      miel

      Hunyo 27, 2014 at 12:20 hapon

  6. Mag bigay po kayo ng kahit isang example ng balangkas. Thanks godbless!

    Jimmpy

    Hunyo 14, 2012 at 10:57 umaga

    • Ang pangungusap na “Magalang siya” ay may balangkas o “structure”. Sa isang lebel, ang balangkas nito ay [panaguri + simuno], na ang panaguri ay isang pang-uri at ang simuno ay isang panghalip. Ang panaguri ay nagsasaad ng isang impormasyon tungkol sa simuno. Ang simuno ang pinatutungkulan ng impormasyon na tagalog ng panaguri.

      Tuba Lambanog

      Hunyo 14, 2012 at 2:03 hapon

  7. mahusay

    angel

    Hunyo 21, 2012 at 3:44 umaga

  8. kapag si nabi natin balangkas ito ay isang sistematikong kaayusan ng mga kaisipan na nakapaloob sa binasa. at ito rin ay may gamit tulad ng mga sumusunod1. pag-iisip nang matuwid 2. pag-aayos ng mga materyales 3. pagkuha ng mga mahahalagang impormasyon hinggil sa paksa at marami pang iba gayun din ito ay may tatlong uri Una. balangkas na paksa 2. Balangkas na Pangungusap at ang panghuli Balangkas na Talata

    angel

    Hunyo 21, 2012 at 3:49 umaga

    • pwede po bang mgbgay kayo ng example about sa 3 uri ng balangkas?

      Shaira Yu

      Agosto 8, 2013 at 8:26 umaga

      • ano po ba ang kahulugan ng pansamantalang balangkas at pormal na balangkas at halimbawa nito

        kath

        Enero 15, 2016 at 8:30 umaga

    • anu po ba ang pamamaraan sa isang mabuting Balangkas na Talata at anu po kaibahan nito sa Balangkas na Paksa at Balangkas na Pangungusap? Sana po ay bigyan ninyo ng katugunan ang aking pananaliksik.

      Bernabeth

      Enero 25, 2014 at 6:28 umaga

  9. sa mga may nais magtanong wag kayong mahiyang lumapit sa akin o sumulat

    angel

    Hunyo 22, 2012 at 5:16 umaga

  10. nais ko po sanang humingi ng halimbawa ngkasunduan ng dalawang sangkap ng pangungusap?

    rochele malabanan

    Agosto 27, 2012 at 4:14 hapon

    • Sa Ingles, ang kasunduan ng subject at verb in number, halimbawa, “The man wants to fight,” “The men want to fight” and notice the different in the form of the verb as a function of the number of the subject.. Sa Tagalog, ang kasunduan sa bilang ng pandiwa at simuno, halimbawa, Nagsiuwi ang mga bata, pero hindi maaaring sabihing *Nagsiuwi ang bata. Nasa Kabanata 4 ka ba ng Gramatikang Filipino: Balangkasan?

      Tuba Lambanog

      Agosto 27, 2012 at 4:38 hapon

  11. bigay naman kayo ng halimbawa ng balangkas..

    nivram_marvin

    Setyembre 19, 2012 at 9:55 umaga

  12. halimbawa ng balangkas:
    I.
    A.
    1.
    2.
    3.
    a.
    b.
    (a)
    (b)
    (c)

    nivram_marvin

    Setyembre 19, 2012 at 9:59 umaga

    • pwedi po bang malaman kung ano-ano po mga antas nang balangkas

      ??

      xxxx

      Disyembre 1, 2012 at 7:31 umaga

      • Antas (o level) ng balangkas (o estruktura)? Mayroong tinatawag na “level of representation”: ang “deep structure” at ang “surface structure.”

        Tuba

        Disyembre 1, 2012 at 7:59 umaga

  13. pwede po ba kayong mgbigay ng specific example? ung exaple po tlga ng balangkas

    Ronz

    Enero 10, 2013 at 4:07 umaga

    • Ronz,
      Ang pangungusap na “Tumakbo si Ben” ay binubuo ito ng panaguring “tumakbo” at simunong “si Ben. Ang estruktura ng pangungusap ay ganito:

      PANAGURI + SIMUNO.

      Ang simunong “si Ben” ay may estruktura rin: ang “si” ay pangtukoy at ang “Ben ay pangngalan. Kay ang estruktura ng “si Ben” ay

      PANGTUKOY + PANGNGALAN.

      Ang panaguring “tumakbo” ay binubuo ng isang salitang pandiwa.

      Kung gayon ang madetalyeng estruktura ng “Tumakbo si Ben” ay

      (PANDIWA) + (PANTUKOY + PANGNGALAN)

      Tuba Lambanog

      Enero 10, 2013 at 7:10 umaga

  14. Pwede po bang magbigay ng halimbawa sa Balangkas na Pangungusap na ginagamit ang bawat diwa? Maraming salamat po.

    missy

    Oktubre 28, 2013 at 7:27 umaga

    • Hi, Ano ang ibig sabihin ng “ginagamit ang bawat diwa”? Anong mga diwa ito na kailangang gamitin sa mga halimbawa?

      rmc

      Resty Cena

      Oktubre 28, 2013 at 4:19 hapon

  15. paano po ba gumawa ng pagbabalangkas na paksa, pangungusap, talata ng isang kwento? thanks

    Ecka Santos

    Nobyembre 20, 2013 at 1:48 hapon

  16. pwede po ba kayong mag bigay ng balangkas na papaksa, balangkas na pangungusap at balangkas na patalata
    salamat po

    kitkat

    Enero 12, 2014 at 3:02 hapon

  17. anu po ba ang mga uri ng balangkas upag makabuo ng isang mabuting
    balangkasan

    Bernabeth

    Enero 25, 2014 at 5:44 umaga

  18. i got nothing ughhh -_-

    mara

    Pebrero 27, 2014 at 9:40 umaga

    • Mara,
      Nalipat na sa Facebook ang blob na ito. Duon magtanong. i-friend mo si resty cena. Salamat.

      Resty Cena

      Hunyo 27, 2014 at 4:34 hapon

  19. is there anyone who can give me a clear definition and examples of “balangkas”
    plzzzzzzzz………..

    mara

    Pebrero 27, 2014 at 9:41 umaga

  20. May mga paliwanag sa itaas. Ano ang hindi malinaw? Magkakasinghulugan ang ‘balangkas’, ‘estruktura’, at ”kayarian’.

    Resty Cena

    Hunyo 27, 2014 at 4:33 hapon

  21. Please help me ASAP please para sa report ko ang title ay ” mga kasanayang nakatutulong sa mabisang pakikinig ”
    2 example ng paggawa ng balangkas
    2 each example ng mga uri ng balangkas
    *balangkas sa talataan
    *balangkas sa pangungusap
    *balangkas sa paksa

    2 example din ng paglalagom
    pagtatala

    please please please please please please please …. ASAP

    Kimkim

    Hulyo 13, 2014 at 12:29 hapon

  22. Please lng talaga this coming Tuesday ang reporting ko

    Kimkim

    Hulyo 13, 2014 at 12:33 hapon

    • Hi,
      Puwede bang sa Facebook tayo mag-usap? Salamat. Friend mo ako Resty Cena.
      Salamat.

      Resty Cena

      Hulyo 13, 2014 at 2:42 hapon

  23. ano email mo please

    kimkim

    Hulyo 14, 2014 at 5:40 umaga

  24. magbigay po kayo ng mga halimbawa ng mga tanong na ukol sa balangkas

    jaya

    Agosto 11, 2014 at 11:49 umaga

  25. hi maam rency.. hindi ko po makita ang name niyo po sa facebook… may itatanong po sana ako tungkol sa balangkas sa paksa at kung ano yo’ng format at halimbawan niya, salamat po! armin heredia collantes po pala ako.

    Armin Collantes

    Agosto 21, 2014 at 3:36 hapon

    • Hi,
      Madali akong makita sa Facebook: Resty Cena. Try again.
      rmc

      Resty Cena

      Agosto 21, 2014 at 6:24 hapon

  26. Mam pwde nyo po bang bigyan ako nang halibawa nang balangkas ng nobela ?? asap po

    123456

    Oktubre 8, 2014 at 1:41 umaga

  27. gandang araw s inyo…pkisagutan pls …

    ano ang balangkas ng wika?

    pakipaliwanag naman itong 7 katangian ng wika :
    1. ang wika ay masistemang balangkas…
    2.ang wika ay sinasalitang tunog…
    3.ang wika ay pinipili at sinasaayos …
    4.ang wika ay arbitaryo
    5.ang wika ay ginagamit
    6.ang wika ay nakabatay as kultura
    7.ang wika ay nagbabago

    Elvie

    Hunyo 27, 2015 at 3:19 umaga

  28. Excuse po tama po ba and paggawa KO ng balangjas sa title NATO?

    Title: bigyang kahulugan ang kaibigan
    I.karasan sa buhay
    A.kalungkutan
    B.kaligayahan
    C.pagpapahalaga sa relasyon
    II.1.Damdaming nais ipahayag
    A.kasiyahan
    B.pagmamalaki
    C.nawalan ng tiwala
    D.galit
    E.pagkabigo
    2.pagkakaroon ng pag-asa

    Salamat po paki check po kung OK LNG ba :)))))

    Blezza!

    Nobyembre 11, 2015 at 3:34 umaga

  29. ano po ba ang kahulugan ng pansamantalang balangkas at halimbawa nito

    kath

    Enero 15, 2016 at 8:05 umaga

  30. ano po ba ang kahulugan ng pansamantalang balangkas at pormal na balangkas at halimbawa nito.

    kath

    Enero 15, 2016 at 8:12 umaga

  31. sure ba yan?

    chloue dubluis

    Agosto 4, 2016 at 1:31 umaga

  32. Pwede po ba kayo magbigay ng halimbawa ng pormal at di pormal na balangkas. Salamat po.

    Jen Mortel

    Agosto 25, 2016 at 12:41 umaga

  33. anu po ba ang paraan ng paggamit ng balangkas?
    salamt po..!

    ian

    Marso 13, 2017 at 3:12 umaga

  34. Nawa’y makatulong nang malaki sa akin ang librong ito.

    Justine

    Enero 11, 2018 at 12:17 umaga


Mag-iwan ng tugon sa chloue dubluis Pindutin ito para bawiin ang tugon.